No matter how hard you’ve been through, always remember that not all the roads will always be rocky to you.

Tuesday, March 8, 2011

happy International Women's day :)

HAPPY INTERNATIONAL WOMEN'S DAY!
SA LAHAT NG MGA BABAE DYAN, MABUHAY TAYONG LAHAT!

MATATANDAAN NA SA IBANG BANSA MULA SA IBA’T- IBANG SULOK NG MUNDO, NAKATALA SA KANILANG MGA KASAYSAYAN NA ANG MGA KABABAIHAN NOON AY HINDI MASYADONG PINAPAHALAGAHAN. NANGYARI ANG MGA PAG-AALIPIN, ANG WALANG-KALAYAAN SA PAGPILI, PAMBABASTOS, AT PAG-AALIS NG KANILANG MGA KARAPATANG-PANTAO. NANINIWALA KASI ANG MGA TAO NOON NA ANG BABAE AY DAPAT NA NASA BAHAY LAMANG, GINAGAWA ANG MGA GAWAING-BAHAY AT PINAGSISILBIHAN ANG KANYANG ASAWA’T MGA ANAK.

SA PAGBABAGO NG PANAHON, NAG-IBA DIN ANG TURING KAY EBA. MAKAKAKILALA KA NGAYON NG ISANG BOSS SA KUMPANYA, ISANG MATAGUMPAY SA KANYANG NAPILING NEGOSYO, MGA KABATAANG BABAENG LIDER SA UNIBERSIDAD NA PINAPASUKAN. MAY ILAN, ANG PAGIGING ULIRANG INA ANG PASYON. MERON DIN NAMANG GURO, DOKTOR, PULIS, BOKSINGERA, AT IBA PANG MGA PROPESYON NA NOON AY PARA SA MGA LALAKI LAMANG.

SILA, ANG MGA MATATAPANG NA EBA NA NAKIKIPAGSAPALARAN SA BUHAY, AY MATATAWAG NA KAMPEON SA KANI-KANILANG MGA LARANGAN. SILA YUNG MGA HINDI NATAKOT NA SUMUGAL UPANG MAGTAGUMPAY SA BUHAY AT HINDI LANG UMASA SA IBA. TULAD DIN NG MGA KALALAKIHAN, NAKAKAYA NILANG GAMPANAN NG MAAYOS ANG MGA TRABAHONG INIATANG SA KANILA. RESPONSABLE, MAPAGMAHAL, MASIKAP. YAN AY KANILANG MGA KATANGIANG HINDI NGA NAMAN MAITATANGGI.

SALUDO AKO SA LAHAT NG KABABAIHAN NA SA SIMPLE NILANG PAMAMARAAN, AY NAIPAPAHAYAG NILA, NA SILA MAN, KAYA DING ISABUHAY ANG KANILANG MGA PANGARAP.



CREDITS--TUMBLR :)

0 comments:

 
Template by suckmylolly.com - header candies by Tayoindesign