Ano nga ba yung mamimiss natin sa highschool?
-Mamimiss mo ba yung pagkain mo sa klase? Yung gustong-gusto mo ng kainin yung candy na nasa ilalim ng lamesa mo o nasa bulsa mo. Yung tipong tinatakpan mo ng panyo yung bibig mo para hindi ka mapansin ng teacher nyo na kumakain ka.
-Mamimiss mo ba yung pangbubully o pangaasar mo sa klase? Pag nagpapair up yung teacher nyo tapos lahat kayo mang-aasar at sasabahin “Ayiii!” Mang-bubully kayo sa mga na-uunder nyo sa mga kaklase nyo. May kanya-kanyang tawagan, kanya-kanyang asaran. May mapipikon pero yung iba tumatawa pa rin. Yung naasar na nga kaklase mo sige ka pa rin sa asar.
-Mamimiss mo ba yung pagtambay nyo ng mga barkada mo pagkatapos ng klase? Yung malapit na ang uwian magkakaayaan ng gala. Sa bahay ni ganito ni ganyan. Dota kasama ang mga barkada. Basketball kasama ang barkada.
Chikahan kasama ang barkada. Mga bonding at kung ano-ano pang mapasyahang gawin.
-Mamimiss mo ba yung masayang feeling pag absent ang teacher? Yung tipong pwede kang mag-ingay, makipagdaldalan sa klase, Nagagalit na si president sige ka pa din sa pagdadadaldal. Lilipat ka ng upuan para makipagchismisan sa close friends mo. Kwentuhan dito, kwentuhan doon.
-Mamimiss mo ba kapag sinesermonan kayo ng teacher nyo tapos gusto nyo din sagutin pero hindi mo magawa? Yung tipong gusto mo ng tumayo at bigyan ng katwiran ang teacher mo kase naiinis ka na din pero hindi mo magawa, dahil naiisip mo nakakahiya naman o kaya natatakot ka baka ipatawag ka sa guidance. Pero sa isip-isip mo gusto mo ng sagutin at ipamukha sa kanya na galit ka din.
-Mamimiss mo ba yung pagtulog mo sa klase? Yung tipong bagsak na bagsak na ang mata mo tapos hindi mo na mapigilan napapaheadbang ka na sa lamesa pero magigising ka ulit kase naiisip mo baka nakikita ka ng mga kaklase mo. Yung pagtulog mo sa klase pag hindi masungit yung teacher mo.
-Mamimiss mo ba yung sandamakmak na homework? Yung tipong di mo na alam ang gagawin mo dahil tambak na ang takdang aralin na dapat mong gawin. Kanya-kanyang kopyahan sa mga tapos ng gumawa ng takdang aralin para deretso computer pagdating sa bahay.
-Mamimiss mo ba yung pangongopya mo ng seatwork sa katabi pag hindi mo alam yung sagot? Yung alam mong hindi naman masungit yung teacher mo o nagbabantay sa’yo kaya pwede kang magtanong sa katabi mo ng sagot.
Mamimiss mo ba yung panghihingi mo ng 1 whole, 1/4, 1/2 sa kaklase mo? Ni isang beses hindi ka bumili ng papel dahil umaasa ka lang sa mga kaklase mo. Kahit naiinis na sila sige ka pa din ng hingi. Yung tipong wala kang pakielam kahit sila yung bumibili basta makahingi ka lang. Kase nakokonsensya sila kaya binibigyan ka nila.
-Mamimiss mo ba yung paghingi mo ng pagkain sa mga kaklase mo? Yung hindi pa nga sila nakakakain hinihingi mo na kagad yung pagkain nila. No choice naman sila, ibibigay nila sa’yo kase sa tingin nila baka iniisip mo na madamot sila. Pero naiisip nila na hindi ka nahihiya kase pagkain nila yon.
Mamimiss mo ba yung pagdadaydream mo sa klase? Pag tinatamad kang makinig sa leksyon ng guro mo magdadaydream ka na lang. Mag-iisip ka ng mga bagay na sa imahinasyon lang mangyayari. Yung tipong natutulala ka na. Tapos magugulat ka na lang tinatawag ka na pala ng teacher mo.
-Mamimiss mo ba yung mga teacher mo, na kahit sinesermonan ka eh, mahal na mahal mo pa rin? Yung kahit pinagtritripan ka minsan na sinasabi nila na lambing lang nila yun sa’yo, mamimiss mo ba yun? Kahit napapagalitan ka minsan ginagawa nila yon dahil sa kapakanan mo, dahil sila yung pangalawang magulang mo.
-Mamimiss mo ba yung mga TOTOONG kaibigan mo, mga nakasama mo sa higschool, at mga naging barkada mong tunay? Yung tipong andyan sila pag may problema ka. Pag kailangan mo ng advice andyan sila para bigyan ka. Yung tipong lalaban sila para sa’yo dahil kaibigan mo sila. Yung paparangalan ka sa mga maling nagawa mo. Mga galaan nyo na walang sawa dahil nagchichikahan kayo. Mga sikreto na napagsaluhan nyo. Mga magagandang ala-ala na nabuo nyo dahil sa pagsasamahan nyo.
Ang masasagot ko lang dyan. Oo, lahat ng yan mamimiss ko :(
Saturday, March 19, 2011
HighSchool life is nearly over :|
Posted by Grace at 12:39 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment